BUOD NG IBONG ADARNA
Noo'y may kahariang tinatawag na Berbanya. Ito ay pinamumunuan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ang kanilang mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang mga prinsipe.
Unang nagtangka si Don Pedro na siyang panganay sa magkakapatid ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya ang punong tinitirhan ng ibon na tinatawag na Piedras Platas ay siyang nahimbing sa pagkakatulog dahil sa awitin nito. Di sinasadyang siya'y naiputan ng ibon kaya siya'y nanigas at naging bato. Dahil dito, nagpasya si Don Juan na maglakbay upang makuha ang ibon at mapagaling ang kanyang ama.
Tinahak niya ang daan patungo sa bundok. May nakasalubong siyang matandang leproso na nagpayo sa kanyang mag-ingat sa kahali-halinang ganda ng puno ng Piedras Platas. Bago siya magpatuloy ay ibinigay niya ang kanyang kahuli-hulihang baong tinapay. Dahil dito, tinulungan siya ng matanda kung paano matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan niya ang pagtigil sa nasabing puno at di kalaunay may nakita siyang isang bahay na tinitirhan ng isang matandang Ermitanyo. Ito ang tumulong sa kanya upang mahuli ang ibon at maibalik sa dati ang kanyang dalawang kapatid.
Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando na may nagtapon kay Don Juan sa isang malalim na balon. Dahil dito, nagkasakit ang hari ng siya'y magising. Pinayuhan sila ng isang manggagamot na tanging ang kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok ng Tabor ang makakapagaling sa kanyang sakit.
Unang nagtangka si Don Pedro na siyang panganay sa magkakapatid ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya ang punong tinitirhan ng ibon na tinatawag na Piedras Platas ay siyang nahimbing sa pagkakatulog dahil sa awitin nito. Di sinasadyang siya'y naiputan ng ibon kaya siya'y nanigas at naging bato. Dahil dito, nagpasya si Don Juan na maglakbay upang makuha ang ibon at mapagaling ang kanyang ama.
Tinahak niya ang daan patungo sa bundok. May nakasalubong siyang matandang leproso na nagpayo sa kanyang mag-ingat sa kahali-halinang ganda ng puno ng Piedras Platas. Bago siya magpatuloy ay ibinigay niya ang kanyang kahuli-hulihang baong tinapay. Dahil dito, tinulungan siya ng matanda kung paano matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan niya ang pagtigil sa nasabing puno at di kalaunay may nakita siyang isang bahay na tinitirhan ng isang matandang Ermitanyo. Ito ang tumulong sa kanya upang mahuli ang ibon at maibalik sa dati ang kanyang dalawang kapatid.
Nang maibalik na sila sa dati, agad nilang tinahak ang daan pabalik sa kaharian ngunit may masamang plano ang dalawa laban kay Don Juan. Bumalik sila sa kaharian at naiwan si Juan na nakalupasay sa gitna ng daan dahil sa mga natamong bugbog. Nang makabalik na sila ay di nila nagawang mapaawit ang Ibong Adarna. Di rin nagtagal ay nakabalik si Don Juan sa kaharian nang nanumbalik ang kanyang lakas dahil sa tulong ng Ermitanyo. Sa panahon ding 'yon ay kumanta ang Ibon at isinalaysay ang kataksilang ginawa ng dalawang prinsipe. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at inutusan rin niyang parusahan ang dalawa sa nagawa nila ngunit nakiusap si Don Juan sa hari kaya pinatawad agad ang dalawa.
Inalagaan ang ibon sa loob ng palasyo ng tatlong prinsipe. Isang araw, nagbalak na namang muli ng masama ang dalawa laban kay Don Juan. At ng siya na ang nakatoka para magbantay sa ibon, siya'y nakaidlip ng sandali at sa paanahon ding iyon ay pinakawalan ng dalawa ang ibon. Nagising si Don Juan ngunit wala na ang ibon kaya naglayas siya upang hanapin ang ibon. Nang malaman ito ng hari ay agad niyang inutusan ang dalawa na hanapin ang prinsipe. Natagpuan nga nila ang prinsipe at silang tatlo ay naglakbay nang muli.
Sa kagubatan ng Amenya, may nakatuklas si Don Juan ng isang balon na may kaharian sa ilalim. Nainggit na naman ang dalawa kaya nagbalak na naman sila ng masama. Naiwan na naman siya at doo'y natagpuan niya si Donya Juana na bihag ng isang higante. Iniligtas niya ito at isinunod ding iligtas si Donya Leonora na bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo at naging magkasintahan. Umahon sila palabas sa balon ngunit naiwan ni Donya Leonora ang kanyang singsing kaya bumalik si Don Juan. Nang malapit na siyang makaahon ay pinutol agad ng dalawamg prinsipe ang tali kaya nahulog siya. Pinilit ang dalawng prinsesa na isama sa kaharian. Doon ipinakasal sina Don Diego at Donya Juana samantalang si Donya Leonora ay naghihinagpis sa sinapit ng kasintahan.
Nagamot si Don Juan sa tulong ng alagang lobo ni Donya Leonora. Tinulungan din siya nitong makalabas sa balon. Doon muli nyang nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanyang limutin ang prinsesa dahil may makikilala siyang bagong mamahalin sa Kaharian ng Reino Delos Cristales. Di nagtagal ay nakalimutan nga niya ang prinsesa.
Narating niya ang Reino Delos Cristales sa tulong ng kanyang sinakyan na malaking agila. Nakilala niya si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo. Ang kanilang pag-iibigan ay di madali dahil sa hadlang dito ang Hari. Nagtanan silang dalawa kaya ikinagalit ito ng hari. Binura niya ang mga alaala ni Don Juan na kasama si Maria.
Bumalik siya sa Berbanya na ang hangarin ay pakasalan si Leonora. Sumunod din si Maria sa kaharian at pinaalala niya ang mga pinagsamahan nilang dalawa at sa kabutihang palad ay naalala rin niyang muli ang lahat. Na ang tunay niyang iniibig ay si Maria Blanca. Sa huli, ipinakasal si Donya Leonora kay Don Pedro at si Maria Blanca kay Don Juan.
WAKAS...

Comments
Post a Comment