BUOD NG IBONG ADARNA ni Jose Dela Cruz Noo'y may kahariang tinatawag na Berbanya. Ito ay pinamumunuan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ang kanilang mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang mga prinsipe. Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando na may nagtapon kay Don Juan sa isang malalim na balon. Dahil dito, nagkasakit ang hari ng siya'y magising. Pinayuhan sila ng isang manggagamot na tanging ang kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok ng Tabor ang makakapagaling sa kanyang sakit. ...